Evacuees sa CALABARZON – umabot na sa higit 30k

Umabot na sa higit 30 libo ang bilang ng mga naitalang evacuees ng Police Regional Office 4-A sa buong CALABARZON dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.

Ayon kay PRO-4A PIO Chief LtCol. Chitadel Gaoiran, hanggang alas- 12 kaninang tanghali, may kabuuang 30, 932 individuals o katumbas ng 9,097 families ang kasalukuyang nasa 402 evacuation centers sa rehiyon.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Pinakamarami sa evacuues ay mula sa Quezon province.

Wala pang naitalang nasawi, nawawala at injured sa mga oras na ito ang PRO -4A.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Kasalukuyang naka-deploy ang nasa 1,209 na mga pulis sa mga evacuations centers at vital installations upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan kasabay ng pananalasa ng bagyo.