EU, di natitinag sa gas ‘blackmail’ ng Russia

Nagbabala ang European Union sa Russia na hindi sila magpapatinag sa “blackmail” hinggil sa kanilang suporta sa Kyiv, matapos na putulin na ng Kremlin ang suplay ng gas sa Bulgaria at Poland.

Ang naturang babala ay bago ang nakatakdang pagbisita ni UN chief Antonio Guterres sa Kyiv para makipagpulong kay Ukrainian leader Volodymyr Zelenskiy, kasunod ng pakikipag-usap nito kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow.

Read More:  Cristiano Ronaldo announces retirement from Portugal national team

Ginawa naman ni Putin ang sariling babala sa parehong araw, na kung makikialam ang Western forces sa Ukraine, ay haharap sila sa “lightning-fast” military response.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Ang banta ay matapos sabihin ng Moscow na nagsagawa sila ng missile strike sa southern Ukraine, para sirain ang “large batch” ng Western-supplied weapons.

Una nito, inamin ng Kyiv na malaki na ang nasakop ng Russian forces sa east. //MHEL PACIA-TRINIDAD