PBA, pinalawig ang deadline para sa 47th season annual rookie draft

Inadjust ng Philippine Basketball Association (PBA) ang deadline ng draft application para sa mga aspiring league rookies.

Sa halip kasi na May 2, 2022, ang mga aplikante ay maari paring sumali sa draft hanggang sa May 7.

Nabatid na ang 47th season annual draft ay itinakda sa May 15.

Ayon sa PBA, ang mga local applicants ay kailangan lang na magsumite ng kopya ng kanilang birth certificates, habang ang Fil-foreign players ay required na magsumite ng valid passport alinsunod sa Affirmation ng Bureau of Immigration Certificate of Recognition at Department of Justice.

Kaugnay nito, ang draft ay bukas para sa mga players na 22-taong gulang pataas o 19 na taong gulang na may minimum na dalawang taon na college education. //MHEL PACIA-TRINIDAD