En Banc ruling sa DQ vs Marcos Jr, ilalabas na susunod na linggo

Posible nang ianunsyo sa susunod na linggo ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) En Banc hinggil sa pagbabasura sa disqualification cases laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Comelec chairperson Saidamen Pangarungan, lumagda na ang limang mga commissioners sa resolusyon, pero may dalawa pang hindi pa pumipirma kabilang siya.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dagdag ng Comelec chairperson, tatlong kaso nalang ang ireresolba dahil ang pang-apat na kaso ay nakarating na sa en banc kamakailan.

Ang naturang mga petisyon ay inihain nang hiwalay ng mga lider ng Akbayan party-list, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), at ng Pudno Nga Ilokano (Ang Totoong Ilokano) na humihiling sa Comelec En Banc na irekonsidera ang kanilang desisyon na ibasura ang diqualification case laban kay Marcos.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Una nito, noong APril 20 nang ibasura naman ng Comelec First Division ang final disqualification case laban sa presidential bet. //MHEL PACIA-TRINIDAD