Estrada: kailangan dumaan sa tamang proseso ng mga sangkot sa laptop “overpriced” project

Hinikayat ni Senador Jinggoy Estrada ang mga naging sangkot sa 979 milyon pesos na overpriced laptop na makipagtulungan sa imbestigasyong gagawin upang maparusahan ang totoong may sala.

Kaugnay ito sa inilabas na desisyon ng Office of the Ombudsman na preventive suspension order sa iilang opisyal ng Department of Education (DepED) at Department of Budget and Management.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Dagdag pa ni Estrada, ipinapakita lang din nito na tama ang naging mga hinala niya sa posibleng paglabag ng mga ito sa government procurement laws.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ayon pa kay Estrada, marapat lang na makapagsagawa ng tamang imbestigasyon upang masiguradong mapapanagot sa mataas na standard ng “transparency” at “ethical conduct” ang magkakasala.

Kung maalala, lumalabas sa Commission on Audit (COA) 2021 report na “overpriced” at “outdated” ang 2.4 bilyon pesos na laptop na binili para sa mga guro.