Oversight Function ng Kamara, inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng ngipin ng batas laban sa rice hoarding

Palalakasin pa ng liderato ng Kamara ang oversight functions nito upang mabantayan ang mga bodega ng bigas kontra hoarders sa panahon ng “lean months”.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, magpapatuloy ang inspeksyon ng Kongreso sa mga warehouse katuwang ang concerned government agencies upang matiyak na walang naiipit na suplay ng bigas.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Habang wala pa ang anihan ay nagsa-samantala aniya ang hoarders at mga nagmamanipula sa presyo ng bigas sa merkado na siyang nagpapahirap sa consumers.

Paliwanag ni Romualdez, ang pag-iinspeksyon ng mga bodega ay “in aid of legislation” lalo’t mayroong mga panukalang batas na nakahain sa Kamara na ang layunin ay parusahan ang pag-ipit ng suplay ng bigas at iba pang produktong pang-agrikultura.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Palalakasin ng mga panukala ang anti-agricultural smuggling laws at pananagutin hindi lamang ang mga hoarder kundi pati na mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa krimen.