Estados Unidos, tiniyak ang ‘matatag’ na relasyon sa Pinas

Tiniyak ng Estados Unidos na mananatiling matatag ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Ito ang inihayag ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III matapos ang isinagawang meeting nila ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pentagon kamakailan.

Ayon kay Austin, tuloy ang kanilang commitment sa Pilipinas kabilang na ang matatag na alyansa ng dalawang mga Estado.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ito raw ay napatunayan sa katatapos lamang na Balikatan Exercises sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng US military.

Wika nito, kahit na mayroon pa ring umiiral na pandemya ay natuloy pa rin ang isa sa pinakamalaking joint-military exercise na ito.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dagdag pa ni Austin, matapos nilang magpulong ng kanyang counterpart sa ikatlong pagkakataon, higit na marami itong naibunga para sa pag-abanse ng mga inisiyatibong pang-alyansa.

Kabilang na rito ang pagpapaigting ng kooperasyon at mutal defense treaty commitments; pagpapalakas ng maritime cooperation; pati na rin ang intelligence sharing.
#