5 Lugar sa Metro Manila wala nang naitalang kaso ng COVID-19

Aabot limang lugar sa Metro Manila ang nagtala ng zero cases ng COVID-19 kahapon batay sa inilabas na breakdown ng OCTA research group.

Sa 69 kabuoang kaso sa NCR pinakamarami ang naitala sa Pasay City na may 24, sinundan naman ito ng Taguig City, na nagtala ng 10 impeksyon.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Naitala naman ng Maynila ang siyam na kaso habang pito ang Quezon City, anim ang Caloocan City, apat ang naitala sa Makati City, tatlo sa Parañaque City, at dalawa sa Las Piñas City.

Samantala, ang mga lungsod ng Mandaluyong, Marikina, San Juan at Pateros ay pawang may tig-isang karagdagang kaso ng COVID-19.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Walang naitalang bagong kaso sa mga lungsod ng Malabon, Muntinlupa, Navotas, Pasig at Valenzuela, nagpakita rin ang Octa.

Nakapagtala ang bansa ng 158 karagdagang kaso ng COVID-19 noong Abril 19, ayon sa tracker ng DOH.
#