Espesyal na misa para sa mga nasawi dahil sa Covid-19, isasagawa ng Diocese of Sorsogon

SORSOGON CITY – Magsasagawa ng espesyal na misa ang Diocese of Sorsogon para sa mga nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Bishop Jose Allan Dialogo sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon.

Ayon dito ang nasabing misa ay isasagawa sa Nobyembre 2 at ito umano ay alay sa mga pumanaw dahil sa nasabing sakit.

Paliwanag nito, dahil nga namatay sa COVID, kung kaya wala nang pagkakataon ang kanilang mga kapamilya na sila ay iburol, pag-alayan ng misa dahil nga kailangan na  agad na sila’y mailibing o macremate na.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaugnay nito, hinikayat ng obispo ang mga kapamilya ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit na kung maaari ay dumalo ang mga ito sa nasabing misa, kung saan pwede din umanong dalhin ng mga ito ang larawan o urn ng kanilang namayapang kaanak upang mabendisyunan.

Tiniyak din ni  Bishop  Dialogo na tatalima  ang Diocese of Sorsogon sa lahat ng mga restriksyong ipapatupad kaugnay sa pag-obserba ng Undas.

Ayon dito, upang maipagpatuloy pa rin ang tradisyon ng paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay nang hindi nasasangkalan ang pagsunod sa minimum health protocols, mga aktibidad na naangkop sa sitwasyon ang kanilang isasagawa.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kabilang na aniya rito ang pagkakaroon ng mga novena masses sa mga parokya upang maalayan ng dasal ang mga kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay.

Iaalay din sa mga ito ang lahat ng mga misang isasagawa sa buong buwan ng Nobyembre.

 Samantala, bukod sa paglalagay ng sanitizer, pagcheck ng body temperature at logbook para sa mga church goers, sinabi ng obispo na sa lahat ng kanilang mga misa ay kanilang sinisiguro na nasusunod pa rin ang church capacity batay sa IATF guidelines.