SORSOGON CITY – Naniniwala si Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) Spokesperson PLtCol Charles De Leon na ang naitatalang mataas na kaso ng panggagahasa sa lalawigan ay resulta ng kanilang mas pinaigting na information dessimination tungkol sa crime prescription ng rape case.
Ayon dito, sa kanilang ikinukunduktang mga seminar ay kanilang ipinapaliwanag na ang crime prescription ng nasabing kaso ay 20 taon.
Dahil dito, ay mayroong mga kaso na ngayon lamang naireport sa kanila subalit matagal nang nangyari.
Dagdag pa nito, mayroon din umanong mga pagkakataon na ang nasabing insidente ay bago lamang na nadiskubre ng mga kaanak ng biktima kung kaya ngayon pa lamang nakapagsumbong.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal na ang mga insidente ng panghahalay ay karaniwan ng nagaganap sa loob ng tahanan kung saan ang suspek ay mismong kapamilya din ng biktima.
