DOJ bubuo ng mga tracker teams vs mga suspek sa mga missing sabungeros

Bubuo ng tracker teams ang Department of Justice para hanapin ang mga suspek na iniuugnay sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena noong 2022.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, binanggit na ang mga pangalan ng posibleng mastermind sa likod ng pagkawala ng mga sabungero ngunit  wala pa rin aniyang ebidensya ang mga awtoridad dito.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Noong Pebrero, naglabas ng warrant of arrest para sa kidnapping at serious illegal detention sa farm manager na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ito ay dahil sa pagkawala nina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, at Rowel Gomez noong January 2022.

Nauna na ring nag-anunsyo ng P6 million reward ang DOJ  para sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.//CA