BICOL—Mahigit na sa isang milyon ang mga estudyanteng nakapagpa-enroll sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Bicol region.
Batay sa Quick count ng Department of Education (DepEd) Bicol, nasa kabuuang 1,092,445 na ang mga estudyanteng nakapagpa enroll kung saan 1,055,907 nito ay sa public school, 36,081 sa private school, 6,561 sa ALS at 457 sa SUC at LUC.
Sa Elementarya ang may pinakamaraming enrollees na umaabot na sa 453,136; sumunod ang Junior High School na may 333,344; Senior High School na may 180,878; Kindergarten na may 123,060 t Non graded na may 2,027.
Ang Camarines Sur Division ang may pinakamaraming enrollees na nasa 263,735; sinundan ng Masbate, Albay, Camarines Norte, Sorsogon at Catanduanes.
Sa mga City Divisions, ang Sorsogon City Division ang may pinakamaraming enrollees na umaabot na sa 45,299; sinundan ng Naga, Legazpi, Masbate City, Tabaco, Iriga t Ligao.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa unang araw ng pasukan sa Setyembre 13.### || slm