Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon, nanawagan sa mga may nalalaman tungkol sa anomaliya sa TUPAD na magsalita na

SORSOGON CITY – Sa harap ng nagpapatuloy na imbestigasyon tungkol sa nangyaring pangingikil sa mga benepisyaryo ng TUPAD gamit ang pangalan ng mga board members, hinikayat ng pinuno ng Sorsogon Provincial Information Office (SPIO) na si Salvador ‘Dong’ Mendoza, sa sinumang may impormasyon tungkol dito na lumabas at isiwalat ang kanilang nalalaman.

Ayon sa opisyal, mahalaga kasi ang kooperasyon ng mga ito para sa agarang paglutas ng nasabing usapin. Aniya, kung lahat kasi ay mananahimik at walang magsasalita tiyak na mananatili ang ganitong kalakaran.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaugnay nito, apela ng opisyal sa mga may nalalaman sa nasabing bagay na huwag matakot at makipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Sorsogon at sa Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) bilang ang mga ito ang pangunahing mga tanggapan na nangangasiwa sa imbestigasyon.

Ang anomalya ay nagresulta na sa pagkatanggal ng 5 job order (JOs) ng Sangguniang Panlalawigan na unang napangalanan matapos ang tatlong araw na pag-iimbestiga ng mga Bokal.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Umano’y aabot sa 50% ang hatian na naganap sa nakuhang ayuda ng mga benepisyaryo ng nasabing programa.

Gumagawa ng diskarte ang ilang staff ng mga Bokal, na ayon sa ilang benepisyaryo ay binabanggit lamang o ‘name drop’ ang mga pangalan ng mga Bokal.