CAMARINES SUR- Umakyat na sa 90, 605 ang bilang ng mga nag-enroll sa Camarines Sur mula nitong Hulyo 3, base sa tala ng Department of Education Bicol.
Kasama na sa bilang ang mga magiging estudyante sa Iriga City habang may hiwalay na bilang ang Naga City Division. Mas mataas pa rin sa ngayon ang lalawigan ng Albay na mayroong mahigit 125, 000 enrollees. Una nang hinikayat ni DepEd Spokesperson Atty. Salvador Pelingon ang mga magulang na ipatala na ang mga anak upang mapaghandaan ng paaralan ang dami ng mga estudyante. Gayundin ang pag abiso sa mga school heads na gawing regular ang updating ng enrollees.
Samantala sa San Isidro, Nabua parehong lalawigan , sinabi ni Punong Barangay Jay Disquitado na makakatuwang sila ng paaralan sa Brigada Eskwela. Gagawan na rin ng paraan ng Barangay at LGU na maiwasan ang stagnant na tubig upang hindi magdulot ang sakit at disgrasya sa mag-aaral.