Batangas City- Inilunsad na ng Department of Tourism Calabarzon, ang Calabarzone mobile app na naglalayong mas mapataas pa ang lokal at internasyunal na turismo sa rehiyon.
Ang naturang application ay naglalayong magbigay tulong sa mga turista upang mapadali ang paghahanap ng mga atraksyon na matatagpuan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Sa patuloy na pagusbong umano ng teknolohiya, ay nakahanda ang naturang rehiyon sa pagdagsa ng turismo sa mga susunod na taon.
Samantala, plano naman ng naturang ahensya na mapanitili bilang isa sa pangunahing destinasyon ng mga turista ang Calabarzon sa buong bansa at buong mundo.