Muling naglabas ng pangalan ng mga itatalagang cabinet-members ang papasok na administrasyong Marcos.
Former Senate President Juan Ponce Enrile
Sa isang pahayag, kinumpirmang tinanggap na ni dating senador Juan Ponce Enrile ang trabaho bilang susunod na presidential legal counsel.
Si Enrile na nobenta’y-otso anyos na, ang siyang magsisilbing opisyal na abugado ng Punong Ehekutibo.
Ayon kay incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi raw sa kanila ni Enrile na ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras at kaalaman para sa republika ng papasok na gobyerno ni President-elect Bongbong Marcos.
Matatandaang si Enrile ay matagal nang taga-suporta ng Pamilya Marcos.
Nagsilbi na rin ito bilang miyembro ng Gabinete ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra
Pormal na ring tinanggap ni outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra ang nominasyon bilang susunod na Solicitor General.
Si Guevarra ay ang unang miyembro ng Gabinete ni outgoing President Rodrigo Duterte na magkakaroon ng posisyon sa Gabinete ni President-elect Bongbong Marcos.
Bilang SolGen, ang trabaho ni Guevarra ay ang pagiging abugado ng Estado.
Sa pahayag ng kampo ni Marcos, napili nila si Guevarra dahil sa taglay nitong galing pagdating sa batas at sa maganda nitong performance bilang isang abugado sa nakalipas na tatlong abugado.
Nagtapos si Guevarra sa kursong Political Science bilang magna cumlaude sa Ateneo de Manila University.
Natapos naman nito ang kanyang master’s degree in economics sa University of the Philippines; at nagtapos ng Law sa Ateneo de Manila Law School.
Former AFP Chief-of-Staff Ret. Gen. Jose Faustino Jr.
Kinumpirma rin ang pagtanggap ni retired general Jose Faustino Jr. bilang susunod na kalihim ng Department of National Defense.
Sa kabila nito, magsisilbi muna ang dating heneral bilang officer-in-charge ng DND at senior undersecretary.
Hindi pa kasi ito maaaring italaga sa isang opisyalna posisyon sa Gabinete dahi pasok pa ito sa one-year ban para sa mga retired military officials.
Kung pagbabasehan ang RA 6975, sa November 13, 2022 pa maaaring umupo si Faustino sa DND.
Si Faustino ang nagsilbing ika limapu’t anim na Cheif of Staff ng Armed Forces of the Philippines at dumaan sa mandatory retirement noong November 12, 2021.
#