Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating senador Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa kasong plunder.
Ito’y may kinalaman sa kasong isinampa sa kaniya noong 2014 dahil sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund o PDAF, na mas kilala sa tawag na Pork Barrel.
Maliban kay Enrile, na-aqcuit din ng Anti-Graft Court ang kaniyang chief-of-staff na si Gigi Reyes, at ang tinaguriang ‘pork barrel queen’, ang naka-detain nang si Janet Lim-Napoles.
Sabi ng Sandiganbayan Special Third Division – bigo ang prosecution na patunayang guilty ang mga akusado.
Wi-nelcome naman ni Enrile ang desisyon at sinabing inaasahan niya nang makalulusot siya rito dahil alam niya raw sa sarili niyang wala siyang kinalaman dito.
Pinasalamatan naman ng pork barrel queen ang lahat daw ng mga sumuporta sa kaniya.