Hindi magiging hadlang ang patung-patong na mga kaso at kontrobersya para tumakbong muli si dismissed Bamban mayor Alice Guo.
Kinumpirma ng kaniyang abugado na si Atty. Stephen David na binabalak daw ni Guo na mag-file ng certificate of candicacy para sa kaniyang re-election.
Aniya, posibleng sa susunod na linggo ito maghain ng kaniyang kandidatura.
Sa ganitong paraan – mahahayaan na umano ang mga residente sa Bamban kung gusto pa nilang iluklok ulit si Guo bilang kanilang alkalde.
Ngayong naka-detain ang dating mayor, maaari siyang magpadala ng isang representative para maghain ng COC.
Kung maaalala, una nang sinabi ng COMELEC na hindi nila maaaring hindi tanggapin ang COC ni Guo.
Nitong Agosto nang ipag-utos ng Ombudsman and dismissal kay Guo kung saan ay pinagbabawal na rin itong makahawak o maluklok sa ano mang public position.