ENGR. Sancho Mabborang ng DOST Region 2, itinalagang undersecretary ng DOST

Manunumpa na sa araw ng Lunes, June 7, 2021 si DOST Region 2 Regional Director Engr. Sancho Mabborang matapos itong italaga bilang Under Secretary for Regional Operations ng Department of Science and Technology (DOST).

Ito ang kinumpirma ni Under Sec. Engr. Mabborang sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan matapos aniyang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang appointment.

Pormal na rin siyang magsisimula sa bagong tungkulin pagkatapos ng kaniyang panunumpa. Ayon sa kaniya, noon pang Pebrero ngayong taon nagkaroon ng botohan sa buong DOST System matapos itong irekomenda ni Sec. Fortunato Dela Peña na siyang uupo sa posisyon ng namayapang dating under-secretary.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pag-aamin pa ni Under Sec. Mabborang na sa una ay ayaw umano sana niya na tanggapin ang naturang posisyon dahil maraming mga proyekto sa rehiyon na kailangang maipagpatuloy at palawigin subalit nakumbinsi din siya ni Sec Dela Peña.

Makikipag-pulong din siya sa Kalihim para sa mga instruction nito sa mga gagawing proyekto bago matapos ang termino ng Pangulo. Sinabi rin ni USec.

Mabborang na hihilingin niya sa kalihim ang pagkakaroon ng OIC-RD sa DOST Region 2 pagkatapos ng dalawang upang masubaybayan pa nito ang mga dapat isagawang proyekto bago matapos ang taon.

Si Usec. Mabborang ay nagsilbi bilang OIC-Regional Director ng DOST Region 2 ng halos isang taon bago siya itinalaga bilang RD kung saan nasa limang taon na siya sa serbisyo.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ilan lamang aniya sa mga pangunahing nagawa sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ang Small Enterprise Technology Upgrading Program na pangunahing tumutugon sa mga MSMEs kung saan nag-number 1 ang Region 2 sa buong bansa ng tatlong taon.

Ang paglulunsad ng oneStore.ph na isang online e-commerce platform na nagsimula sa rehiyon at inimplementa rin ng ibang rehiyon at ang konsepto ng smart city sa Cauayan City.

Pinalawak na rin aniya ito kung saan kabilang na ang Santiago City at City of Ilagan at ginawa na rin itong Smarter City Belt.