Singil sa kuryente sa Luzon, asahang tataas – DOE

Asahan na umanong tataas ang singil sa kuryente sa Luzon dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon grid na nagresulta ng pagtataas ng yellow at red alerts ng tatlong magkakasunod na araw ngyong linggo. 

Inihalintulad ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella ang posibleng senaryo sa law of supply and demand, kung saan kulang ang suplay pero mataas ang demand dahilan para tumaas ang presyo ng mga produkto.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Gayunman, sinabi ni Fuentebella na mayroon namang mga polisiya ang Energy department para maiwasan ang sobrang pagsipa ng singil sa kuryente. 

Partikular na umano rito ang itinakdang primary price cap ng DOE sa kuryente na traded sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan ang mga generators ay pwede lang mag-alok ng hanggang P32 kada kilowatt-hour.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Mayroon din umanong secondary price cap na pwedeng ma-trigger kung may paghihigpit sa suplay. 

Pwedeng i-activate ang P6.245/kWh sa merkado kung mayroong mataas na presyo sa average na P9/kWh para sa 168-hour period.