Menor de edad sa jones isabela, patay sa banggaan ng motorsiklo at forward truck

Patay ang isang lalake matapos masangkot sa banggaan ng motorsiklo at isang forward truck kahapon dakong alas tres ng hapon sa Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Andrei John Almazan, 17 anyos, isang estudyante habang kinilala naman ang angkas nito na si Roswell Gepte, 21 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela lulan ang honda beat motorcycle.

Habang kinilala naman ang tsuper ng forward truck na si Samuel Almario, 61 anyos na residente ng brgy. Dabubu grande, San Agustin, Isabela.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Jones, binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Almazan ang pambansang lansangan particular sa Brgy. Fugu, Jones,Isabela papuntang bayan ng Jones.

Nang makarating ang mga ito sa pinangyarihan ng insidente hindi na nakontrol pa ni Almazan ang palikong bahagi ng kalsada dahilan upang aksidenteng sumalpok ito sa kasalubong na forward truck.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa pagkabangga ng motrsiklo sa harapang bahagi ng truck ay nagresulta upang pumailalim si Almazan sa truck kung saan ito nagtamo ng malalang pinsala sa katawan.

Agad namang idinala sa pagamutan si Almazan upang lapatan ng lunas ngunit sa kasamaang palad ay idineklara ring dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Habang patuloy namang nilalapatang ng lunas ang angkas nitong si gepte sa pagamutan.

Samantala, nasa pangangalaga na ng PNP Jones ang driver ng forward truck para sa karagdagang dokumentasyon.