Batang lalaki, patay matapos matuklaw ng ahas sa Caloocan

Nagdadalamhati ngayon ang mga magulang ng pitong taong gulang na batang lalaki sa Caloocan matapos siyang matuklaw ng ahas.

Ayon sa ina ng biktima, natutulog sa sahig ang kanyang anak at ginising niya ito para palabasin dahil napansin niya ang isang ahas sa kanilang pintuan.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Makalipas ng ilang oras, dumadaing na ng sakit ng tyan ang bata.

Sinubakan pa nila itong isugod sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival.

Huli na nang mapansin ng pamilya ng biktima na may sugat ito sa kamay na dulot ng tuklaw ng ahas.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Ayon sa death certificate ng bata, dehydration at sakit sa tiyan ang ikinamatay ng bata.

Gayunpaman, sinabi ng purok leader ng Bagong Silang na paiigtingin ang kanilang pagbabantay upang maiwasan ang ganitong insidente.