Empleyado ng Masbate City Hall, muling naaresto sa illegal drug operations; P340K halaga ng shabu, nasamsam

Naarestong muli ang empleyado ng Masbate City LGU sa ikinasang drug buy-bust operations magtatanghali noong Miyerkules sa Brgy Nursery, Masbate City.

Kinilala ito ng drug enforcement units na si Maximo Clemente Serrano Jr. alias Bong, 64-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Nasamsam sa posesyon nito ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340K.

Si Serrano ay una nang naaresto nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay nito sa bisa ng search warrant na ipinalabs ng korte noong nakaraang buwan.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Nasamsam sa nasabing operasyon ang 9 na pakete ng shabu na tumitimbang ng mahigit-kumulang 12 gramo na may DDB value na P81, 600.00 at iba pang drug paraphernalias.