Emergency employment aid – ibinigay na ng DOLE sa mga oil spill-hit fisherfolks sa Cavite

Ipinamahagi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kabuoang P6.125 milyong halaga ng emergency employment aid para alalayan ang higit 1 libong mga residente na naapektuhan ng fishing ban.

Ito ay matapos maapektuhan ang lugar ng oil spill dahil sa mga lumubog na barko sa Bataan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay DOLE Regional Director lawyer Roy L. Buenafe, ang pondo na ini-release para sa mga residente ng Tanza, Cavite ay nailan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) cash-for-work program.

Maliban sa mga ito, halos 80 namang benepisyaryo mula sa Biñan, San Pedro, Rizal, San Mateo, Montalban, Cainta, at Tanay ang nakatanggap ng TUPAD orientation kamakailan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin umano ang assessment sa iba pang coastal areas kasama ang Bacoor, Rosario, Noveleta, Kawit, Maragondon, at Ternate, upang matukoy ang karagdagang mga tulong na kinakailangan.