Embahada ng Ph, nagpadala ng consular team sa Ukraine

Kasalukuyang nasa Lviv sa Ukraine na ang consular team mula sa Philippine Embassy sa Poland, para mabigay ng agarang tulong para sa mga Filipino nationals sakaling lusubin ng Russia ang dating Soviet republic.

Ang two-man team na binubuo ng consul at assistance-to-nationals officer ay dumating sa Ukraine noong Feb. 17 para magmonitor sa sitwasyon.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ayon sa Department of Foreign Affairs, agad na nagtayo ang Embassy team ng emergency contact base.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa unang araw ng kanilang misyon, pinulong ng consular team ang dalawang grupo ng mga Filipino na pansamantalang inilikas sa Lviv at Ivano-Frankivsk mula sa Kyiv.

Una nang iniulat ng DFA na may anim nang Filipinos mula sa Ukraine ang umuwi ng Pilipinas noong Feb. 18.