Hindi na kakailanganin ang pagsusuot ng face shields sa araw mismo ng halalan, sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 o mas mababa pa.
Batay sa New Normal Manual ng Commission on Elections, ang bagong polisiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na nagsasaad na ang pagsusuot ng face shields ay “voluntary” para sa mga taong nakatira sa ilalim ng alert levels 3, 2, at 1.
Sa kabila nito, required parin ang mga botante na magsuot ng face masks at sasailalim sa temperature check bago pumasok.

Kung ang body temperature ng isang indibidwal ay mataas sa 37.5 degrees Celsius, dadalhin ito sa isolation polling place, bilang bahagi ng COVID-19 precautions.
Kaugnay nito, ipapatupad ang one-meter physical distancing at iba pang minimum health protocols.