Inihayag ni PNP spokesperson Police Lieutenant Colonel Jean Fajardo na ang police helicopter na bumagsak sa Real, Quezon kahapon ng umaga, ay papunta sana para sunduin si Philippine National Police chief General Dionardo Carlos.
Ang H-125 Airbus helicopter ay nag-take off mula sa Manila Domestic Airport sa Pasay City, bandang alas 6:17 ng umaga para sa Balesin, Quezon, kung saan nanatili si Carlos kasama ang pamilya.
Pero ideklara missing ang naturang helicopter, na kalaunay natagpuan ang crash site nito banda alas 8:00 ng umaga.
Ayon sa PNP, ang naturang flight ay ikinokonsiderang administrative mission flight.
Dadgag ni Fajardo, ilang oras bago nakarating ang mga rescuers na bulubunduking lugar kung saan bumagsak ang chopper, at ilang oras rin ang inilaan para madala ang mga biktima sa pababa, upang mailipad papunta sa ospital.

Mababatid na ang piloto at co-pilot na si Police Lieutenant Colonels Dexter Vitug at Michael Melloria, ay dinala sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta, Quezon, habang ang crewman na si Police Patrolman Allen Noel Ona ang nag-iisang nasawi.