Isinasagawa ngayong buong buwan ng Marso ang libreng pagsasanay ng taekwondo para sa mga bata.
Ito ay sa pangunguna ng Philko Taekwondo Training Center na isinasagawa sa 2nd Floor ng Harbor Point sa SBFZ.
Ayon kay Asst. Coach Charmaigne Calatong, ang mga edad sampong taong gulang pababa ay tuwing alas dos hanggang alas tres y media ng hapon habang ang mga edad labing-isa pataas ay tuwing alas kwatro hanggang alas singko y medya ng hapon.
Magsuot lamang ng jogging pants, t-shirt, magdala ng sariling tubig at paalala ang mahigpit na pagsunod sa health protocols.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
