Eleksyon para sa magiging mga opisyal ng Philippine Councilor’s League sa Camarines Norte isasagawa sa unang linggo ng Agosto

CAMARINES NORTE0 Isasagawa na sa Agosto 3 ang eleksyon para sa magiging mga opisyal ng Philippine Councilor’s League sa Camarines Norte.

Ang mahahalal na Pangulo ay ang uupo at kakatawan sa mga Municipal Councilor sa Sangguniang Panlalawigan bilang ex- officio member.

Ayon kay Local Government Operations Officer Engr. Jerwin Novio, Cluster Head ng DILG Camarines Norte, nasa 121 lahat ang miyembro ng PCL sa lalawigan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Binubuo ito ng walong Municipal Councilors, Liga ng mga Barangay President at Sangguniang Kabataan Municipal Federation President  at ang isang kinatawan mula sa Indigenous People  sa SB Jose Panganiban.

Samantala, matunog na maglalaban para sa Pagkapangulo ng PCL- Camarines Norte Chapter ay ang kasalukuyang interim President at Paracale Councilor Amy Oco na kaalyado ni dating Governor Edgardo Tallado.

Sinasabing makakalaban ni Oco si Labo Councilor Rey Kenneth Oning na malapit naman kay Vice Governor Joseph Ascutia at kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Importante ang bilang sa Sangguniang Panlalawigan dahil kung pagbabasehan ang kasalukuyang komposisyon nito, mayorya pa rin ng mga nakaupo ay kaalyado ng dating Gobernador.

Pero bago pa man ang PCL election ay mauuna ang Vice Mayor’s League na gagawin sa Hulyo 21.