Pinaniniwalaan na dulot ng pulsed electromagnetic energy ang mga naitalang kaso ng mysterious “Havana Syndrome” sa mga staff ng US sa buong mundo.
Ito ang lumabas na bagong US intelligence community report.

Ayon sa report, posibleng dulot ng device o psychological in nature ang misteryosong pagkakasakit ng mga US staff.
Matatandaan na nagsimulang makaranas ng misteryosong sakit ang mga US intelligence officers at diplomats sa Havana Cuba noong 2016.
Noong una ay tila hindi ito sineryoso ng gobyerno ng America pero nang magkaroon ng mas maraming kasunod pang kaso ay saka ito nagsagawa ng mga imbestigasyon.
Nananatili naman itong hindi maipaliwanag ng mga expert kung ano ang talagang sanhi ng misteryosong sakit.