Biden inaprubahan ang deployment ng 3,000 US forces sa Poland, Germany at Romania

Inaprubahan na ni US President Joe Biden ang deployment ng 3,000 tropa sa Poland, Germany at Romania bilang tulong sa NATO countries sa eastern Europe sa gitna ng deployment din ng Russian troops sa border ng Ukraine.

Sinabi ni Pentagon press secretary John Kirby na ang deployment ay kinabibilangan ng 2,000 tropa sa Poland at Germany habang 1,000 tropa naman na nakabase sa Germany ang ipapadala sa Romania.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nilinaw ni Kirby na ang naturang hakbang sa mga susunod na araw ay hindi naman permanente at hindi makikipag-giyera ang mga ito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Inihayag din ni Kirby na ang naturang hakbang ay hindi nangangahulugan na naniniwala ang America na plano ni Russian President Vladimir Putin na sakupin ang Ukraine o ng kahit na anong bansa.

Una nang inilagay ng US sa heightened alert ang 8,500 troops nito sakaling magpatawag ang NATO Response Force.