Electrician, huli sa entrapment operation sa ilegal possession of firearms at nakuhanan pa ng ilegal na droga sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang electrician sa ikinasang entrapment operation na may kinalaman sa RA 10591 o ilegal possesion of fire arms at buy-bust operation sa P-3, Brgy. Kiwalo, Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si Alan Nabore Buen, alyas “Alan”, 26-anyos, may asawa, residente ng P-5, Brgy. Rawis, Legazpi City.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon sa report ng pulisya, nagsagawa ang Daraga MPS ng nasabing operasyon, kung saan positibong kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ng isang baril at nagkakahalagang P4500 bilang bu-bust money ang nagpanggap na poseur buyer.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa paghahalughog ng mga kagamitan sa kanyang katawan ay nakakuha pa rito ng dalawang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, cellphone at buy-bust money.

Sa ngayon ay nasa kostodiya na rin ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.