LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Engineering Office (MEO) ng Daraga na patuloy ang kanilang ginagawang pag-aayos ng mga streetlights dahil sa pagkabuhol-buhol ng mga kable ng kuryente.
Ayon sa MEO, nagsasagawa ang mga ito ng repair and maintenance sa ilang barangay sa nasabing bayan upang ayusin ang mga sirang streetlight sa mga barangay at kasama ng mga ito sa pag-aayos ang LGU Electricians para mapabilis ang kanilang gawain.
Maliban dito, inaayos na rin ng mga ito ang linya ng telepono, internet at iba pa na naging sanhi ng pagkakabuhol ng kuryente sa mga barangay.
Kabilang sa mga barangay ay ang Bagtang, Sagpon, Poctol at Maroroy.
Nagsasagawa rin ng validation sa mga poste ng APEC at telecommunications company sa Brgy. Kilicao, Brgy. Villahermosa, Brgy. Mayon Brgy. Anislag, Brgy. Maopi, Brgy. San Vicente Pequeño, Brgy. Burgos, Brgy. Kinawitan and Brgy. Mabini.