Pinaalalahanan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang buong hanay ng pulisya na hindi pumasok sa partisan politics.
Sa isang pahayag sinabi Eleazar dapat maging neutral ang kapulisan at iwasang pumanig sa sinumang kandidato ngayong election season.
Dagdag pa nito, na hangang siya ang PNP chief ay gagawin niya lahat ng kanyang makakaya upang ilayo ang organisasyon mula sa partisan politics.
Tiniyak ni Eleazar na mananagot ang sinupang pulis na mapapatunayang sususporta sa mga kandidato.
Binigyan diin ng heneral na ang trabaho ng PNP ay matiyak na magkaroon ng matiwasay, tahimik at mapagkakatiwalaang halalan.
Dapat umanong ang katapatan ng 222,000 PNP members ay para lamang sa konstitusyon, sa mga Pilipino at hindi sa sinumang pulitiko.
