Halos 200K violators naitala ng PNP simula nang ipatupad ang alert level sa NCR

Aabot sa halos dalawang-daan libo mga indibidwal ang nahuli ng Philippine National Police na lumabag sa quarantine protocols simula nang ipatupad ang Alert Level 4 in the National Capital Region.

Sa datus na inilabas ng PNP ngayong Lunes, nasa 11,084 ang daily average ng mga violators kanilang nahuhuli simula September 16 hangang October 3 ngayong taon.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Sa naturang bilang sinabi ng PNP na 53% dito ay na-warningan lamang, 41% ang pinagmulta, habang 6% ang nabigyan ng parusa.

Read More:  PNP forms new tracker teams to arrest Sen. Bato Dela Rosa

Aabot naman sa 141,714 violators dito ang lumabag sa minimum public health standard habang nasa 55,571 violators ang naitalang lumabag sa curfew.