Elago, binatikos ang pagmamadali ng Kongreso na ipasa ang 2022 national budget bill

Binatikos ng ilang mambabatas ang plano ng Kongreso na madaliin ang pagpasa ng 2022 national budget bill matapos itong masertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinwestyon ni Kabataan party-list Representative Sarah Elago kung para saan pa ang mga ginagawang pagdinig kung hindi rin mabibigyan ng pagkakataon ang pagtutulak ng mga amyenda na batay sa mga deliberasyon.

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Iginiit ni Elago na dahil sa pagmamadali ay naalis ang pagkakataon na i-laban ang pondo para sa kalusugan, ayuda, ligtas na balik eskwela, at kabuhayan imbis na pasismo, pork, at pamumulitika.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Nababahala naman ang Gabriela Women’s Party na posibleng ma-railroad ang budget bill, sa kabila ng mga panawagan para sa revamp ng budget priorities.