Ekonomiya ng Pilipinas sa 2023, naging maganda – NEDA

Ipinagmalaki ni National Economic Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na isa ang Pilipinas sa best performing economies sa buong Southeast Asia.

Ito’y dahil naging maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2023, sa kabila ng mga hamon na naranasan ng bansa.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kaya positibo pa rin si Balisacan na maaabot ng bansa ang 6% growth target sa taong ito.

Nabatid na ang Gross Domestic Product o GDP para sa unang tatlong quarter ng 2023 ay lumago ng 5.5 porsyento.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Kahit pa naitala ang bahagyang mabagal na paglago dahil sa mababang pag gastos ng mga mamimili at ng gobyerno sa unang dalawang quarter ng taon, pero nakabawi naman sa mga susunod na kwarter hanggang ngayon.