Malnutrisyon – sanhi umano ng mababang ranking ng bansa sa PISA

Binigyang-diin ni Senate Committee on Basic Education Chairperson, Senador Win Gatchalian na mahalagang matutukan ng gobyerno ang lumalaganap na isyu ng kagutuman at malnutrisyon sa bansa.

Ito ay matapos lumabas sa naturang pag-aaral na may negative correlation ang gutom at performance ng mga bata sa school.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ibig sabihin, hindi nagkakaroon ng maayos na performance sa eskuwelahan ang mga batang gutom.

Kaugnay nito, ayon kay Gatchalian, marapat lang matugunan ang pangangailangang kalusugan at nutrisyon ng mga batang mag-aaral upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Dagdag pa niya, sa nakaraang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) ay lumabas na nasa labingdalawang porsyento sa mga mag-aaral ang hindi nakakain ng almusal araw-araw bago sila pumasok ng eskuwelahan.

Samantala, tiniyak niyang maglilikom na sila ng pondo para sa posibleng pagpapatupad ng universal school meal program sa bansa.