EDSA People Power Revolution Anniversary , inaasahang magiging mapayapa; PNP Camarines Sur nakahanda pa rin

CAMARINES  SUR- Inaasahan ng Camarines Sur Police Provincial Office ang mapayapang paggunita ng ika- 38 1986 EDSA People Power Revolution bukas Pebrero 25, 2024, pero nakaalerto at nakahanda ang PNP sa posibilidad ng mga kilos protesta.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCAPT. Marlon Lladoc, tagapagsalita ng pulisya sa lalawigan. Binigyan diin nitong kinikilala din ng PNP ang diwa ng EDSA na pagkakaisa.  Malaya aniya ang mga grupo kung mayroong mga pagkilos pero asahang makikita pa rin ang presensya ng pulis para sa kaayusan at kapayapaan. Hindi aniya mawawala ang mga check point o ang mga dati nang ginagawa sa ordinaryong araw.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS
Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang EDSA People Power I noong 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng naturang taon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng laban sa diktaduryang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.