Echague-Jones-Maddela road widening, inaasahang matatapos sa agosto ngayong taon

Inaasahang matatapos sa buwan ng Agosto ngayong taon ang Echague-Jones-Maddela road widening na proyeto ng Department of Public Works and Highways Region 2 sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2021.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa ngayon ay nasa 64.11 na porsyento na o katumbas ng 5.234 km mula sa 8.163 km ang natapos na sa naturang proyekto.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mula sa 2 lanes ay magIging 4 lanes na sa pagitan ng Maldanum, San Bernabe papuntang Hermosa Norte kung saan mapapabilis ang paghahatid ng mga farm-based products tulad ng mais at kamoteng kahoy.

Magiging daan rin umano ito sa muling pagbubukas ng turismo sa lugar gaya na lamang sa mga magtutungo ng Governors Rapid.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sinimulang ang konstruksyon ng road widening noong April,2021 at inaasahang matatapos sa Agosto.

Pinondohan rin ito ng 22 milyon pesos kabilang na ang konstruksyon sa karagdagang lane ng Portland Concrete Cement Pavement (PCCP) at drainage structure.