Kawalan ng koleksyon, dahilan sa pagdeklara ng bankruptcy ng FISCAP

Sinasabing kawalan ng koleksyon dahil sa pandemya ang dahilan ng Federation of the Senior Citizen Association sa pagdedeklara ng bankruptcy.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Villamor Mauricio ang Vice President ng FISCAP Cauayan, dahil umano sa pandemya ay iilan na lamang sa mga miyembro nito ang nakapagbayad ng kanilang kontribusyon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, nasa 2,000 na lamang sa ngayon ang aktibong nagbabayad ng kanilang kontribusyon na 650 pesos kada taon na hindi sapat upang matustusan ang pondo para sa ibibigay na benepisyo sa pamilya ng mga pumanaw na miyembro.

Kaugnay nito ay napagdesisyunan na sa committee hearing na isinagawa kahapon na itigil na ang paniningil ng FISCAP dahil hindi na rin umano nito natutugunan ang benepisyo sa mga miyembrong nasasawi.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa ni Mauricio, hindi pa alam kung saan kukunin ng asosasyon ang perang pambabayad sa ibabalik na kontribusyon sa kanilang mga miyembro dahil wala na umanong pondong hawak ang FISCAP.