Mahigit 4,000 na duplicate sa listahan ng mahihirap sa Region 2, natuklasan ng NHTS-DSWD FO2

Nasa mahigit 4, 000 na duplicate ng mga sambahayan na kabilang sa listahanan ng mga mahihirap na pamilya ang nakita ng National Household Targeting Section (NHTS) ng DSWD F02 sa nagpapatuloy na data cleansing at deduplication.

Ayon sa ahensya, mayroong kabuoang 4, 938 duplicates ang natuklasan sa database ng kagawaran.

Sinabi ni Listahanan Regional Field Coordinator Christopher Soriano na nagkaroon ng duplication dahil sa misdeclaration ng ilang mga respondents sa kanilang actual family roster noong nagsagawa ng house-to-house interview.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Maaari rin umanong ilan sa mga ito ay dalawang beses nainterview habang isinasagawa ang data collection phase ng naturang proyekto.

Dagdag pa ni LRFC Soriano na may mga sambahayan ang na-assess sa data collection phase na may pagbabago at update sa komposisyon ng kanilang pamilya.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Paliwanag niya, napakahalagang malinis ang database upang matiyak na tama, kumpleto, accurate at reliable ang listahan ng mga mahihirap na pamilya sa rehiyon ngayong taon.

Magugunitang umabot na sa 672, 884 ang kabuoang housesolds ang natapos na ma-assess noong 2019 sa buong lambak kung saan 137, 444 dito ang naibilang na mahihirap base sa nagging resulta ng pagsusuri ng NHTS.