CAMARINES NORTE- Nakaranas ng mahina at kung minsan ay malakas na pag ulan simula pa kaninang madaling araw hanggang kaninang umaga ang lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, easterlies ang umiiral ngayon sa probinsiya na dahilan ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm.
Sa pakikipag usap ng Brigada News FM Daet kay weather observer Veronica Torres ng Pagasa Daet Station, ang ganitong panahon aniya ay hindi lang naman nararanasan sa Camarines Norte kundi sa iba pang mga lugar sa Bicol.
Ipinaliwanag nito na ang easterlies ay maaaring magdulot ng mga pag ulan o maaari din namang hindi.
Posible naman umanong may ma- develop na Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility hanggang Marso 8 pero mababa ang tyansa na maging bagyo.
Isa lamang umano itong probability batay sa Tropical Cyclone Threat Potential.
Samantala, posibleng ideklara na ng Pagasa ang panahon ng tag init susunod na linggo.
Ani Torres kadalasang idenedeklara ang tag init sa ikalawa hanggang ikatlong Linggo ng Marso
Posible pa raw kasi na muling lumakas ang amihan pero hindi ka ito magiging kasing lakas kumpara dati.
