Covid-19 alert level sa SoCot, target maibaba sa Level 1

KORONADAL CITY- TARGET ng South Cotabato na maibaba sa Level 1 ang Covid-19 alert level sa lalawigan mula sa kasalukuyang Alert Level 2.

Ito ang inihayag South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, Jr., sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ayon sa opisyal, kahit na hindi pa nailalagay sa mas mababang Alert Level ang lalawigan, makikita na umano ang walang humpay na labas ng mga tao sa kani-kanilang mga pamamahay.

Dagdag nito, na sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force o IATF, pinapayagan sa Alert Level 2 ang face-to-face classes, ngunit pinagbabawalan ang mga laro na may close contact gaya ng sabong at horse fighting.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Binigyang diin nito, na hindi lamang umano dapat ang health department ang gagalaw ngayon, kundi dapat lahat laban sa Covid-19.