Bakuna muna, bago pulitika – Go

Tumanggi munang pag-usapan ngayon ni Sen. Bong Go ang pulitika, sa halip ay tumututok kung paano malampasan ang COVID-19 pandemic, partikular na ang vaccination effort.

Ayon kay Go, bilang senador at lingkod bayan, ang prayoridad umano niya mula noon hanggang ngayon ay ang walang tigil na pagseserbisyo sa kapwa Pilipino.

“Nagbigay na po ako ng statement ukol dito.  As I have reiterated numerous times, please count me out. I am not interested. Iyan rin ang sinabi ko kay Sec. Al Cusi at sa aking mga kapartido”, giit ng senador.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa gitna nito, nagpapasalamat ang mambabatas sa tiwala, pero hindi umano talaga siya interesado, kasabay ng paghahayag na batid niya kung gaano kahirap ang trabaho ng isang pangulo.

Giit ni Go, sa kabila na pagod na pagod na siya, ang mga Pilipino naman ang nagbibigay sa kanila ng lakas para makapagserbisyo, para lalong malampasan ng bansa itong krisis.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

I leave my fate to God, to the Dutertes, and to the Filipino people to whom I owe the privilege of serving this nation as a public servant. Kung hindi dahil sa kanila, wala ako dito,” dagdag pa ng senador.