Duterte: Gov’t nakapagbigay ng kalidad na infra proj sa publiko sa 6 taong term

Binigyang diin ni outgoing President Rodrigo Duterte na nakapaghatid ang kanyang administrasyon ng “quality infrastructure projects” sa mamamayang Pilipino sa nakalipas na anim na taon.

Sa kanyang mensahe sa ika-124th founding anniversary ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Duterte na kinikilala niya ang mga accomplishments ng departmento, pagdating sa pagpapaganda sa mobility at kapakanan ng mga tao.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Inihayag rin nito na ang layunin ng gobyerno na mapabilis at “decentralize progress” ay naging posible sa tulong ng DPWH, dahil sa kanilang pagsisikap na gawin ang infrastructure at road systems na ligtas, efficient at reliable sa parehong urban at rural areas.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Giit ng pangulo, napabilis ang pagbiyahe, nabawasan ang trapiko, at nagdala ng maraming opurtunidad sa buong bansa ang mga infrastructure projects ng gobyerno. //MHEL PACIA