Solon kay Marcos: Lutasin ang pagbaha sa merkado ng smuggled veges mula China

Hinamon ni Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao si President elect Bongbong Marcos Jr. na lutasin ang ‘vegetable smuggling’ sa bansa o pagbaha sa merkado ng mga imported na gulay mula sa China.

Ayon sa mambabatas, ang problemang ito na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka ng gulay ang isa dapat sa mga pangunahing agenda ni President elect Marcos sa pag-upo bilang Agriculture Secretary.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ni Casilao, dito masusubok kung may tunay na malasakit sa mga magsasaka si Marcos sa harap ng deklarasyon nito ng friendly relation sa bansang China at katuwang umano ng Pilipinas sa economic recovery.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na patuloy ang pag-aray ng ilang mga Pilipinong magsasaka partikular ang mga nagtatanim ng carrots sa Benguet dahil hindi na mabili ang kanilang produkto bunsod ng pagdagsa sa bansa ng smuggled na carrots. //MHEL PACIA