Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Zamboanga City para makiramay sa mga tropa na kasama sa C-130 plane crash at nagbigay ng pagkilala sa mga sundalong sugatan at nasawi sa naturang insidente.
Ayon kay Duterte, ang naturang insidente ay napakalungkot, at kung anu ano ang nasa puso ng tropa ay yun din umano ang nasa puso niya.
Nangako naman ang pangulo na mabibigyan ng tulong ang pamilya ng mga sundalo, lalo na umano ang para sa edukasyon ng naiwang mga anak, prosthesis para sa mga tropa na naputulan ng kamay at paa, maging ang monetary help.
Sa gitna nito, inisa-isang pinuntahan ni Duterte ang caskets ng fallen troops, at inilagay ang kamay nito sa bandila na nakalatag sa ibabaw.
Kaugnay nito, nagpunta ang pangulo sa Camp Navarro General Hospital para gawaran ang mga sundalong wounded in action ng Order of Lapu-Lapu na may Rank of Kampilan, habang ang mga killed in action ay ginawaran ng Order of Lapu-Lapu na may Rank of Kalasag. // MHEL PACIA-TRINIDAD