Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon ang punishments at demerits ng Philippine National Police Academy (PNPA) Cadet Corps Class 2022 hanggang 2025.
Nilagdaan ni Duterte ang pardon sa 43rd Commencement Exercises ng PNPA para sa Bachelor of Science in Public Safety “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.
Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, may ilang kadete kasi na nabigyan ng parusa at demerits matapos makagawa ng administrative infractions.
Kabilang sa mga ito ang pagiging late sa formation, unshined buckle sa inspection, at nahuling natutulog sa klase.
Ang Alab Kalis Class of 2022 ay mayroong 229 graduating cadets, kung saan 206 ay sasali sa pwersa ng PNP, 12 sa Bureau of Jail Management and Penology, at 11 sa Bureau of Fire Protection.
Samantala, ang kanilang 2022 class valedictorian naman ay si Police Cadet Ernie Padernilla mula sa Passi City, Iloilo. //MHEL PACIA-TRINIDAD