Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na may piling medical at nursing students na maari na ngayon mag-volunteer para maging COVID-19 vaccinators, sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno.
Sa joint memorandum sa Department of Health, sinabi ng CHED na ang post-graduate at undergraduate interns, clinical clerks, at fourth-year medicine at nursing students ay maari nang makiisa sa National COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Program.
Sa ilalim ng panuntunan ng joint Memorandum Circular (JMC) No. 2021-003, nakasaad na ang mga estudyante ay maaring makibahagi bilang mga health screeners, vaccinators, at pre/post vaccination monitors sa ilalim ng supervision ng mga licensed physicians at nurses.

Saklaw rin ng memorandum ang lahat ng public at private higher education institutions na may medical schools at colleges, maging ang mga ospital na mayroong national internship programs.
Samantala, ang mga participants ay magkokompleto ng online courses mula sa DOH website at tatanggap ng orientation at training sa specific COVID-19 vaccine brands. //MHEL PACIA-TRINIDAD